Lunes, Enero 23, 2017

Bakit marami pa ring Filipino ang Nagtratrabaho sa ibang bansa?

     Maraming mga filipino ang nangingibang bansa kadahilanan ng kahirapan sa buhay . Upang mapag-aral nila ang kanilang mga anak sa magandang paaralan at ayaw niyang maranasan ng kaniyang mga anak ang paghihirap sa buhay . At ang iniisip niya lagi ang kaniyang pamilya kung ano ang magiging kinabukasan ng kaniyang mga anak sa hinaharap.
Karamihan sa mga nangingibang bansa ay ating mga ama . Ating ama na haligi ng tahanan, na sinasakripisyo ang kaniyang buhay matustusan lamang ang kahirapan .
    Ang mga nagtratrabaho sa ibang bansa na tulad nila ay tinatawag na OFW . Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa ating bansa sapagkat pinapataas nila ang presyo ng piso sa dollar .Dahil kung walang OFW hindi tataas ang bilang ng piso sa ating bansa . Saludo ako sa mga OFW na handang iwanan ang kanilang pamilya at natitiis nila ang hirap sa ibang bansa mabigyan lamang ng magandang buhay ang kanilang pamilya at minamahal sa buhay !! .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento