Huwebes, Marso 23, 2017

Bakit maraming kabataan ang nalululong sa droga.

    Panimula;

      Sa panahon ngayon , hindi na maikakaila na maraming kabataan ang naliligaw ng landas dahilan sa pagbibisyo.Tulad ng alak,sigarilyo,at ang mas malala ay ang paggamit droga. Maraming tao ang nahuhumaling na gumamit nito at tila nagiging normal lamang sa kanila, dahil ito na rin ang kanilang kinasanayan.Lalong-lalo na sa mga kabataan na walang kamu-  wang muwang kung ano ang maaaring maidudulot nito sa kanila.Nais makamit ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na layunin: Una,ang paglalahad ng mga programang ma- kakakuha ng atensyon at interes na maaaring malatulong sa mga kabataan na maagang na- lululong sa masamang bisyo. Pangalawa,paglalahad ng mga impormasyon tungkol sa kala-gayan ng mga kabataang pilipino na nalululong sa droga.Pangatlo,karaniwang dahilan na nakaaapekto sa desisyon ng kabataan na lulong sa bisyo at ang panghuli,ay ang pagbibigay ng ilang mga mungkahi at solusyon upang makatulong sa mga nais tumigil sa pagbisyo.Ang paggamit ng droga ay nagsimula sa amerika na ginaya ng iba't ibang bansa kabilang na ang ating bansa rito. 
Droga-ipinagbabawal na gamot
Suliranin-prolema
Maibsan-malunasan
Mahumaling-gusto
Kabataan-karamihang gumagamit ng bawal na gamot.

Katawan:
     Ayon sa sarbey sa mga 20 kabataan na 100 % na hindi gumagamit ng droga, na kung ano sa tingin nila ang mangyayari sa mga kabataan pagkatapos gumamit ng droga,5% ang nagsabi na ang kabataan ay nababaliw,45% naman ang nagsabi na ang kabataan ay guma- gawa ng krimen at 50% naman ang nagsabi na ang kabataan ay nawawala sa sarili.At sino nga ba ang kadalasang gumagamit ng droga? 5% ang na babae at 95% ang nagsabi na lalaki ang kadalasang gumagamit ng droga.Bakit nga ba maraming kabataan ang nalululong sa droga? 20% ang sabi dahil daw sa problema sa pamilya,70% ang sabi dahil daw sa impluwensya ng barkada at 10% ang sabi ay dahil sa impluwensya ng media.Bakit ba mara- ming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng droga,5% ang nagsabi ay dahil madali lang bumili ,35% ang nagsabi para daw makaramdam ng high at 60% naman ang nagsabi ay para maging 'in' sa barkada.40% ang nagsabi na 500-1000 ang nagagastos nila sa pagbili nito,50% ang nagsabi na nasa 1500-5000 at 10% nito ay nagsabi na nasa 10,000 ang nagagastos nila sa pagbili nito.Bakit nga ba nila binababad ang kanilang sarili sa sa pagga- mit ng droga?45% ang sabi dahil sa problema sa pamilya,20% ang sabi ay para maging malaya at 35% ang sabi ay dahil sa impluwensya sa barkada.95% ang sumang ayon sa duterte administration sa oplan tokhang by barangay para mahuli na ang mga kabataang gumagamit ng droga at 5% naman ang hindi sumangayon dahil madaming namamatay.Sa panahon ngayon, ilang taon na nga kabataan ang gumagamit droga? 5% ang sabi ay nasa 10-13 ,75% ang sabi ay nasa 14-18 at 20 ang sabi ay nasa 19-25 taong gulang.At ang panghuling sarbey ay totoo ba na ang droga ay kakatulong sa kabataan na maalis ang problema?15% sa kanila ang sabi ay oo dahil nakakatanggal stress at 85% naman ang sabi ay hindi dahil kapag gumamit sila ng droga ay panandaliaan lamang na maiaalis ngunit hindi nito maiaalis sa iyo.Maraming kabataan ang mapapariwara at masasayang ang buhay dahil sa pagkalululong sa masamang bisyo dulot ng maling pakikipagbarkada,problema sa pamilya at matinding kahirapan.

Konklusyon;
     Maraming dahilan kung bakit nalululong ang mga kabataan sa masamang bisyo .At ang pangunahing dahilan nito ay ang kahirapan.Dahil sa hirap ng buhay ,walang trabaho,hindi makapagaral at walang pinagkakaabalahan kaya natututo silang gumamit ng droga para pansamantalang makalimutan ang kanilang mga problema.Ginagamit din nila itong pampalakas ng loob para gumawa ng krimen o panandaliang pagkakakitaan tulad ng paghoholdap at pagnanakaw.Kasama narin ang kawalan ng suporta ng magulang;kulang sila sa atensyon, pagaalaga at pagmamahal mula sa magulang . At ang droga ang kanilang naging sandigan upang takasan ang sakit ng kalooban.Isa pang dahilan ay ang pagsama sa maling barkada o itinuturing mong kaibigan. Sila ang naglulugmok sa mga walang kamuwang muwang na mga kabataan . Kaya dapat lamang na kilalanin ng mabuti at piliin ang mga taong sinasamahan at kinakaibigan.Paggabay ng magulang ang mahalagang kailangan ng bawat kabataan.

Rekomendasyon:
     Ang pakikipagbarkada ay isa sa dahilan kung bakit nalululong ang mga kabataan sa iba't ibang bisyo.Dahil dito dapat mas lalo pang pagtibayin ang samahan at pagmamahalan sa bawat pamilya.Dapat kilalanin at piliing mabuti ang mga sasamahang barkada o kaibigan. Dapat ang bawat kabataan ay may makabuluhang pagkakaabalahan tulad ng isports at pagsali sa mga programa para sa lipunan na naglalayon sa tamang landas para sa mag kabataan upang maging listo o aktibo at mas nakakaalam sa mabuti.

Sanggunian:
https://prezi.com>dejoujh-resw>"kadahilananngmgakabataangmaagangnalululongsadroga"

Miyerkules, Marso 22, 2017

What I have learned from Empowerment Technology II

I have learned from Empowerment Technology II is on how to use the Computer based on our discussion . I also improve my knowledge about the computer. On how to use the Microsoft excel , and I know how to do a Power Point presentation.